Sa totoo lang ayaw ko po talagang mag vlog o mag youtube. Dahil mas naapreciate ko pong manood lang ng inspirational at kung ano mang video na makakatulong sa personal kong buhay. Kahit matagal na po akong kinukumbinse ng mga mahal kong magkaroon ng sarili kong channel. At ngayong nakikita ko na ang resulta, iba po ang naidulot nitong kasiyahan sa pamilya at mga kaibigan ko.š Na siya naring pong ikinatuwa ng sobra sobra ng puso ko.ā¤ļø Gusto ko po sanang magpasalamat sa childhood friend ko, kasabay kong lumaki at nakakakila sa akin bago pa ako pumunta sa limelight na si @nolrach. Salamat naniwala ka at nagtiyaga ng ilang taon kumbinsihin akong ipamahagi ang aking pagkatao sa plataporma na ito. Salamat sa aking asawa @kylienicolepadilla na nagsschedule ng shoot at nagbibigay ng inputs
para lang mas maging interesting pa ang content koā¤ļø kina @kllongakit , @itsmemarielle28 at @crystaljoy29 sa pag alalay at suporta mabuo ang channel. Kina @pen_dionela at @jeraldcarryon salamat sa mga valuable input at 24/7 nakaantabay masiguro lang na naalagaan ko ng husto ang account ko. At syempre po sa INYO. ANG MASASABI KO LANG PO AY SALAMAT. Salamat sa oras na binibigay ninyo mapanood lang ang mga video ko. Salamat din po sa mga makatotohanang comments na binibigay ninyo. At higit sa lahat SALAMAT PO sa pagsama at pagiging bahagi sa journey na itoš